Saturday, October 11, 2008
Posted by emil

Nothing but blood covering our floor.
Nothing but him screaming and asking for help.
Nothing but his tears killing our thoughts.
Nothing more but losing his faith.

And now I've learned
That a life without pain is a perfection.
Even Him, the God almighty
can't avoid.


Seryoso to. Na trauma ata ako nung nakakita ng dugo. Natuklap kasi yung LAMAN nung fingertip ng daliri ng kapatid ko. Kawawa naman eh 3 years old palang. Magaling na naman ngayon, kaso di na makakabit pa ung natanggal na laman. I bet nandidiri ka na ngayon. Wala kaming nagawa kundi gamutin lang yung sugat habang tuloy-tuloy na pumapatak yung dugo. Naipit kasi yung left pinky niya sa pinto. Iyak siya nang iyak, Hanggang sinugod nalang sa ospital.

Pagkatapos nung mga yon, sinabi ng mama naming magkakapatid na :

" Ngayon natuto na kayo ng leksyon. Hinintay niyo pang mangyari to. Ginamit lang ng panginoon ang kapatid niyo at buti di nabali yung daliri. Nangyari na ang nangyari, tapos na to, hindi na mababago,"

Nagsisisi ako, eh ako lumaking maayos tapos di ko man lang nabantayan ng maayos kapatid ko. Eto nga sinasabi niya nung yakap-yakap niya ko ng mahigpit: "Pano na yan, Pano na ko? Wala nang naglolove sakin. Wala na. Pano na ko papasok sa school." Imaginin niyo nalang na isang 3 year old na bata na umiiyak sa harap mo tapos sinasabi yung mga yon. Hay.

Sana kayo rin. Maging matino na kayo habang maaga pa. Baka mangyari rin yun sa inyo. Dahil ako, nagbago na, ngayong october 11. Natutuo akong magpakatino. Alam kong mahihirapan ka.

Sana natuto kaya sa nangyari sakin.