Monday, September 8, 2008

Ulan

Posted by emil

grabe ang monday...

nakakapanibago pa rin... kasi kakatapos pa lang ng humanities tapos diretso klase... amf!! sa str, kung anu-ano yung pinakita sa powerpoint presentation... eh hindi naman kailangan sa buhay yon ah!! sa math naman, hay?!?, trigo! amf! mas lalong nagpalito sa kin. pero buti na lang, may health sex ed.. :)) ang ganda nung ginawa namin saka ang tino pa!
Hay!!

ano kaya mangyayari sa susunod na mga araw???

saka nga pala, ang pinaka nakakabuwiset ngayong araw eh yung ulan... buti na lang medyo maagaga ako nakauwi kung hindi eh nastrandeed ako sa pisay.. ang lakas talaga.. saka may nakakatakot nga palang nangyari... yung driver ng sinasakyan kong jeep, di nakatingin sa daanan, kumaskas tuloy sa tricycle pagliko... pano ba naman di kakaskas eh nasa right side ng driver.. di tuloy nakita.. heto pa... buntis yung nakasakay dun sa tricycle... tinakot nga kami nung tricycle driver... nalaglag! nalaglag! eh sino ba di matatakot dun?? makakita ng baby na nalaglag
sa may tricycle habang umuulan ng napakalakas?!? oh well, buti nalang nagbibiro yung matanda.. siguro nadala lang ng galit...

ayun.. nakakapangilabot no??
HAY...

"
Pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay, di maiwasang gumawa ng di inaasahang bagay..."